Advertisers

Advertisers

May P110m pang ibabalik para makapasok sa WPP…DPWH-NCR DIRECTOR NAGSOLI NG P40M KICKBACK

0 28

Advertisers

ISA pang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagsaoli ng limpak-limpak na salapi sa Department of Justice (DOJ) nitong Martes ng hapon.



Tinatayang aabot sa P40 milyong “kickback” ang ipinrisinta sa media mula kay dating DPWH-NCR Regional Director, Engineer Gerard Opulencia.

Ang nasabing halaga ay bahagi ng “restitution” process sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP).

Ayon kay Acting Justice Secretary Frederick Vida, ang P40 milyon ay bahagi pa lamang ng P150 milyon halagang nakatakdang isauli ni Opulencia.

Nakuha ang nasabing halaga ni Opulencia mula sa iba’t ibang proyekto, at inaasahang makatutulong sa pagpapatibay ng kaso ng DOJ.

Kasalukuyang provisionally admitted sa WPP ng DOJ si Opulencua at isa sa mga respondent sa mga reklamong inihain sa DOJ kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Nakatakdang isauli sa National Treasury ang nasabing pondo. (Jocelyn Domenden)