Advertisers

Advertisers

P51b medical assistance ‘di dapat idaan sa politiko

0 28

Advertisers

HINDI na dapat idaan pa sa mga politiko partikular kongresista at senador ang P51-billion Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) dahil nagagamit lang nila ito sa politika, at hindi lahat ng pasyenteng mahihirap ay nakakalapit sa politiko lalo kung identified na hindi ito bumuto sa kanila. Mismo!

Makabubuti na ang ibuhos nalang sa PhilHealth ang P51 bilyong ito na pondo para sa ‘zero billing’ program ng gobierno.

Oo! maraming mahihirap na pasyente lalo sa mga liblib na lugar ang walang kontak, kakayahan o lakas ng loob na lumapit sa politiko dahil nga sa kanilang kalagayan, lalo na kung kontra pa ito ng kanilang barangay kapitan.

So, pinakamaige na ‘wag nang ipasok sa pondo ng mga politiko ang budget para sa medical assistance, ilagay nalang ito sa PhilHealth para mawala na ang political patronage at palakasan sa kung sino ang nasa puwesto. Period!

***

Namataan daw si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na namamasyal sakay ng kanyang milyones na halaga ng bigbike kasama ang dalawang nakamotorsiklo rin, posible mga badidard niya.

Kung totoo ito, malaking insulto ito sa taxpayers na nagpapasueldo sa kanya. Mantakin mong sumusuweldo siya ng buo nang ‘di ginagampanan ang sinumpaang trabaho sa gobierno.

Si Bato ay higit isang buwan nang ‘di nagpapakita sa publiko, simula nang ianunsyo ni Ombudsman “Boying” Remulla na nakatanggap ito ng ICC arrest warrant laban sa senador.

Si Bato ay isa sa mga co-accused ni dating Pangulo Rody Duterte sa kasong ‘Crimes against humanity’ kaugnay ng ‘extra judicial killings’ noong kanilang termino sa Malakanyang.

Si Duterte ay siyam na buwan na ngayon nakakulong sa ICC facility sa The Hague, Netherkands.

Hindi pa kumpirmado kung mayroon na ngang ICC warrant si Bato, pero nagtatago na ito.

At kung may arrest warrant na nga ang senador pero nagagawa pa niyang makapamasyal sakay ng kanyang high-power bigbike, isang malaking hamon ito sa intel ng pambansang pulisya. Mismo!

***

Inuupakan ngayon sa social media si Ombudsman Remullla. Puros dakdak lang daw ito na may makukulong na politiko bago mag-pasko at may mahuhuli pagsapit ng Disyembre 15 sa mga sangkot sa flood control scandals.

Sabi ng netizens, lumipas na ang Disyembre 15 pero wala paring politiko na naaaresto at nakukulong. Oo nga!

Kabilang sa mga politiko na isinasangkot sa flood control anomalies sina Senador Jinggoy Estrada, Sen. Joel Villanueva, Sen. Chiz Escudero, ex-Sen. Bong Revilla at ex-Sen. Nancy Binay. Mga kumuha raw sila ng hanggang 30 percent kickback sa pondo sa mga proytektong ibinaba nila sa DPWH.

Say ni Ombudsman Boying, relax lang… plunder yan!