Advertisers

Advertisers

Titser buking nangmomolestya ng estudyante sa CR, testigo tinakot, pinakain ng ipis

0 332

Advertisers

INARESTO ang isang lalaking guro sa Tondo, Maynila nang ireklamo ng pananakit ng 12-anyos na babaeng estudyante at pinilit pang kumain ng ipis matapos umanong mahuli ang ginagawa ng guro, na sekswal na pangmomolestya sa isa pang babaeng estudyante sa loob ng palikuran ng paaralan, ayon sa Manila Police District (MPD).



Batay sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente Oktubre 15 nang mahuli ng biktima ang guro, na kinilalang si Nel, 53 anyos, habang umano’y gumagawa ng sekswal na pang-aabuso sa isang kapwa estudyante sa loob ng comfort room ng paaralan.

Ayon sa salaysay ng biktima, sinubukan niyang tumakas mula kay Nel ngunit agad siyang nahabol ng guro at dinala sa loob ng CR. Doon umano siya sinaktan at pinilit na ipakain ang isang ipis bago pa tinakot na mapapahamak siya kung magsusumbong sa iba tungkol sa insidente.



Gayunman, isinumbong ng biktima ang nangyari sa kaniyang mga magulang at sa mga awtoridad.
Disyembre 12, inaresto si Nel sa loob mismo ng campus ng paaralan sa bisa ng warrant of arrest mula Manila Regional Trial Court, Branch 38.

Sa kasalukuyan, nakakalaya na ang titser nang maglagak ito ng piyansa. Itinatanggi nito ang paratang ng estudyante.