Advertisers

Advertisers

5 TODAS SA POLICE OPS!

0 25

Advertisers

NAPATAY ng mga pulis ang limang kalalakihan, dalawa sa kanila may kinakaharap na kasong murder, sa isang engkwentro sa Sitio Dima, Barangay Paatan, Kabacan, Cotabato nitong Martes, December 16.

Ayon sa local executives at mga opisyal ng Kabacan Municipal Police Station, napatay sa naturang shootout sina Ibrahim Macalnas, mas kilala na “Commander Bikog”; Datukan Macalnas, Ismael Luncayao, at dalawang hindi pa nakikilala na kasama nilang nanlaban sa mga pulis na magsasagawa sana ng search sa kanilang hideout dahil sa ulat ng mga kapitbahay hinggil sa kanilang pagbebenta ng shabu at pagtatago doon ng mga walang lisensyang combat weapons.



Isisilbi sana ang warrant of arrest kay Commander Bikog kaugnay ng kanyang mga kinakaharap na kasong murder, kabilang na ang pamamaril-patay sa isang nagtitinda ng pandesal gamit ang tricycle ilang buwan palang ang nakakalipas, nang manlaban ito.

Ang naturang law-enforcement operation ay batay sa multiple search warrants mula sa Regional Trial Court Branch 22 sa Kabacan.

Naaresto sa naturang police operation sina Monera Macalnas at Teggy Macalnas, at nakumpiskahan ng P20,400 halaga ng shabu at isang 9 millimeter pistol.

Nasamsam din ng mga pulis ang isang assault rifle, dalawang .45 caliber pistols at isang gauge 12 shotgun sa tabi ng mga bangkay nina Commander Bikog at kanyang mga kasama.