Advertisers

Advertisers

3 kawani ng city hall sa Laguna niregaluhan ng bala

0 13

Advertisers

NAKATANGGAP ang tatlong boluntaryong manggagawa ng lokal na pamahalaan ng San Pablo City, Laguna ng isang hindi inaasahan at nakakabahalang “regalo” noong Pasko, mga bala na ipinadala ng hindi pa nakikilalang tao.

Ang tatlong bala ng kalibre .45, na nakalagay sa loob ng isang maliit na kahon, at minarkahan ng mga inisyal ng pangalan o alyas ng mga boluntaryo at may kasamang mensaheng “RIP” (Rest ian Peace), hudyat ng posibleng banta sa kanilang buhay.

Sinabi ni Ernie Empemano, isang dating kandidato sa kongreso na natalo sa nakaraang halalan, napansin niya ang maliit na kahon sa garahe ng kanyang bahay sa Barangay 5-D 6:30 ng gabi ng Biyernes.



Nang buksan niya ang kahon, nakita ni Empemano ang tatlong bala, ang isa ay may markang inisyal ng sarili niyang alyas, ang isa naman may markang “RA,” na aniya para sa kapwa boluntaryong si Rene Amorao, at ang pangatlo ay may markang “JR” na pinaniniwalaang para sa isa sa kanilang mga kawani.

Hinala nina Empemano at Amorao, ang banta ay maaaring may kaugnayan sa kanilang patuloy na pagsusuri sa mga proyektong imprastraktura na ipinatupad sa ilalim ng nakaraang administrasyon, mga gawaing kasalukuyan nilang ginagawa bilang suporta sa lokal na pamahalaan.



“Naniniwala kami na may kaugnayan ito sa aming pagtulong sa lokal na pamahalaan dahil pinangangasiwaan namin ang mga pangunahing proyekto ng pamahalaang lungsod,” wika ni Empemano.

“Kung maayos na ginampanan ng nakaraang administrasyon ang kanilang mga trabaho, wala nang dapat ipag-alala,” dagdag nito.



Naghain na ng blotter report sa barangay ang mga boluntaryo at humingi narin ng tulong sa San Pablo City Police.

Kinumpirma ni Lt. Colonel Redentor Tiraña, hepe ng San Pablo City Police, na isinasagawa ang imbestigasyon at bineberipika ang lahat ng impormasyon kaugnay ng insidente.