Advertisers

Advertisers

ATONG ANG ‘PINATAKAS’ NG PULIS

0 32

Advertisers

LUMALALIM ang kontrobersiya sa likod ng missing sabungeros case nang ibunyag ng Philippine National Police (PNP) na posibleng may mga pulis na tumulong sa pagtakas ng gambling tycoon na si Atong Ang mula sa pag-aresto.

Ayon kay PNP public information chief Randulf Tuaño, kasalukuyang nire-review ng pulisya ang posibleng pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa ilang opisyal na pinaghihinalaang umalalay kay Ang.

“Based on the information we obtained, there are police officers who might be assisting [him],” pahayag ni Tuaño sa mga mamamaha-yag sa Camp Crame.



Dagdag pa niya, inatasan ni PNP Chief, General Jose Melencio Nartatez Jr., ang Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) na tukuyin at im-bestigahan ang mga pulis na posibleng sangkot sa pagtulong kay Ang.

“The DIDM obtained the profiles of these individuals from our Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) and is reviewing them with our Legal Service to determine possible administrative and criminal sanctions,” ani Tuaño.



Hindi pa tinukoy ng PNP kung ilang pulis ang iniim-bestigahan. Nang tanungin kung may kasamang senior officials, kinumpirma ni Tuaño na mayroon, ngunit tumanggi siyang ilahad ang kanilang mga ranggo.

Noong nakaraang Huwebes, ibinunyag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na iniimbestigahan ng kanyang tanggapan ang apat na retiradong police general dahil sa koneksyon kay Ang. Ayon kay Tuaño, ang parehong apat na retiradong opisyal ay saklaw din ng imbestigasyon ng PNP.



Hindi rin pinangalanan nina Remulla at Tuaño ang mga retiradong heneral na iniimbestigahan.

Nilinaw din ni Tuaño na walang rekord si Ang sa Police Security and Protection Group (PSPG).

“Since he has no official records with the PSP [police security protection], it is assumed that his security personnel are privately hired,” paliwanag niya.