Advertisers

Advertisers

Online lending harassment, maaaring magdulot ng stress at panganib sa kalusugan

0 12

Advertisers

Ibinunyag ng National Privacy Commission (NPC) na may mga kaso kung saan ang harassment mula sa online lending ay nagdulot ng matinding stress at mental health issues sa biktima.



Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, sinabi ni NPC Deputy Commissioner Atty. Jose Belarmino II na may mga nagreklamo sa NPC na nawalan ng trabaho, nakaranas ng social humiliation at umabot pa sa miscarriage dahil sa matinding pressure.

May mga biktima din umano na na-target kahit sa halagang P1,000 lang, ngunit kapalit nito ay pagkasira ng dangal at personal na buhay.



Samantala, iginiit ni Belarmino na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga nais magreklamo o mag-follow-up sa kanilang kaso.

Ipinapaalala rin ng opisyal sa publiko ang kahalagahan ng paghihigpit ng personal data, lalo na sa pagbibigay ng access sa phonebook at gallery sa online lending apps. (Gilbert Perdez)