Advertisers

Advertisers

Iba’t ibang electric vehicle brands, nagpakita ng suporta sa DOE hinggil sa pagpapalawak ng paggamit ng EV sa bansa!

0 8

Advertisers

Suportado ng ibat ibang electric vehicl brands ang kampanya ng department of energy hinggil sa pag gamit nito sa bansa.

Patunay dito ang paglahok ng maraming electric vehicle o EV brands sa ika-10 Philippine International Motor Show o PIMS 2026.

Ayon kay Director Patrick Aquino ng Energy Utilization and Management Bureau ng Department of Energy na nagsisilbing mahalagang plataporma ang PIMS sa pagpapakita ng inobasyon at pag-unlad ng sektor ng transportasyon tungo sa mas episyente at makabagong mobility solutions.

Naging tampok sa PIMS 2026 ang electric mobility kung saan 17 global automotive brands ang nagpakita ng kanilang mga produkto sa World Trade Center sa Maynila.

Kabilang sa mga dinumog ng mga dumalo ang VinFast na nagpakita ng iba’t ibang electric vehicle models kabilang ang VF 3, VF 6, VF 7, VF 9, Herio Green at Limo Green.

Pinukaw naman ang interes ng mga pamilya ng VinFast MPV 7, isang fully electric seven-seater vehicle na may hanggang 450 kilometro na saklaw sa isang full charge at may kakayahang mag-fast charge sa loob ng humigit-kumulang 30 minuto.

Ayon naman kay VinFast Southeast Asia CEO Antonio Zara III, bahagi ng pakikilahok ng kumpanya sa PIMS 2026 ang pagsuporta sa mga programa ng pamahalaan para mapabilis ang paglipat sa electric mobility.

Batay sa datos ng International Energy Agency, maaaring umabot sa 45 porsiyento ng kabuuang vehicle sales sa Pilipinas ang EV pagsapit ng 2035 kung magpapatuloy ang suporta sa electric mobility.