Advertisers

Advertisers

6 sa 24 Pinoy na nakulong sa Russia, balik-Pinas na

0 7

Advertisers

DUMATING na nitong Linggo, Hunyo 21, ang 24 na Pilipinong pinalaya mula sa kulungan sa Russia matapos ang personal na pakikipag-usap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Russian President Vladimir Putin.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), bumiyahe ang mga Pilipino mula sa Krasnoyarsk, Russia patungong Bangkok, Thailand, kung saan sila hahatiin sa dalawang batch bago lumipad pauwi ng Maynila via Philippine Airlines.

Dumating ang unang anim na Pilipino sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 alas-12:05 ng hatinggabi sakay ng Flight PR 737, habang ang natitirang 18 ay inaasahang lalapag sa bansa ng alas-4:05 ng madaling araw sakay ng Flight PR 733.



Nabatid na halos siyam na buwang nakulong ang mga Pilipino sa Irkutsk, Russia nang walang pormal na kasong kinakaharap.

Naayos ang pagpapalaya sa mga biktima matapos personal na iapela ni Pangulong Marcos ang kanilang sitwasyon kay Putin sa sidelines ng ASEAN-Russia Commemorative Summit sa Kazan.



Ayon sa Pangulo, nirepaso ng mga otoridad sa Russia ang kaso at kinumpirmang walang nilabag na batas ang mga Pilipino kaya agad silang iniutos na palayain at i-deport pabalik ng Pilipinas.

Nakahanda na ang mga ahensya ng pamahalaan upang magbigay ng tulong at asistensya sa mga nagbabalik na Pilipino sa kanilang pagdating sa bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">