Advertisers
TATLO ang kumpirmadong nasawi kabilang ang isang 19-anyos na lalaking estudyante nang magsalpukan ang dump truck, pampasaherong jeep at motorsiklo nitong Miyerkoles ng umaga sa national highway sa Barangay Mambabanga, Luna, Isabela.
Ayon kay Major Jonathan Ramos, hepe ng Luna Police Station, nadulas ang dumptruck matapos nitong subukang mag-fullstop para iwasan ang sasakyang nag-overtake sa daan hanggang sa tuluyang masalpok ang pampasahe-rong jeep 9:00 ng umaga.
Una rito, binabagtas ng pampasaherong jeep ang kahabaan ng Barangay Mambabanga patungong Cauayan City bago ang aksidente.
Damay rin ang nakasu-nod na drayber at sakay ng motorsiklo na bumangga sa likurang bahagi ng jeep.
Sa lakas ng banggaan ay natanggal ang bubongan ng pampasaherong jeep kungsaan nakasakay ang tatlong nasawi at walo ang sugatan.
Kinumpirma ng hepe ng pulisya na negatibo sa nakalalasing na inumin ang drayber ng truck.(REY VELASCO)