Advertisers

Advertisers

23 na ang nakakulong sa flood control scam

0 45

Advertisers

UMABOT na pala sa 23 ang mga nakakulong sa multi-billion flood control scandal.

Pero hindi pa tayo kuntento sa nilang na ito ng mga nakakulong. Isa palang kasing politiko ang nakulong eh, marami pa ang nasa laya at naglilinis-linisan na nandidiri kuno sila sa korapsyon. Mga ulol!

Sa mga politikong binanggit ng mga testigo sa flood control projects anomaly, tanging si dating Senador “Bong” Revilla palang ang naghihimas ng rehas.

Kabilang sa mga politiko na binanggit ng mga testigo sa mga nagdaang Senate Blue Ribbon investigation sina Senador Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, Chiz Escudero at ex-Sen. Nancy Binay. Pero si Revilla palang ang nakulong, kung bakit? Bakit nga ba, mag-utol na Ombudsman “Boying” at Interior Secretary Jonvic Remulla?

Ang kontraktor namang nakulong ay si Sarah Discaya, doon sa Cebu City, habang ang kanyang mister ay nakakulong naman sa Senado matapos i-contempt. Ang isa pang kontraktor na si Sally Santos ay pumasok sa “state witness” matapos magsoli ng dinugas na milyones sa flood control projects.

At ang mga opisyal ng DPWH na nakulong ay sina ex-Engr. Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, ang kapwa nila ex-engineers na sina Roberto Bernardo, Henry Alcantara at Gerard Opulencia ay pumasok sa “state witness”.

Nakulong din ang isa presidente ng construction company na pag-aari ng Discaya na si Roma Rimando ng St. Timothy Construction Corp.

May mga opisyal pa ng DPWH sa mga probinsiya ang nakulong: 6 mula sa MIMAROPA, 8 sa Davao Occidental, at 4 sa Bulacan 1st District Engineering Office. All in all ay 23 ang naka-hawla sa salang pagbulsa pondo ng publiko na para sana sa flood cotrol.

Ang pinaka-gusto natin makitang nakahawla ay si dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co na tumakas bago pa magsimula ang mga imbestigasyon sa flood control scam. Nasa Portugal daw ito ngayon nagtatago, sabi ni DILG Sec. Jonvic Remulla.

Atat din ang marami na makitang nakakulong si dating House Speaker Martin Romualdez, pinsan ni Pres. BBM.

Sina Co at Romualdez ay dating tandem sa paghawak sa pera ng publiko. You know!!!

Si Co ay mayroon nang arrest warrant, habang si Romualdez ay wala pang kaso. Kung bakit? Wala pa raw ebidensiya!!! Ganun?

***

Niluluto na ngayon ang Risa Hontiveros-Bam Aquino 2028 matapos muling tumanggi si ex-VP Leni Robredo na muling kumasa national; nagpalipad-hangin naman si Interior Sec. Remulla na open siya sa 2028.

Ang sure nang tatakbo sa 2028 presidential derby ay si VP Sara Duterte. Ang problema n’ya ay baka ma-impeach siya sa Pebrero. Yun lang!