Advertisers
Ni Anne Venancio
Kung masaya na si Councilor Aiko Melendez sa napapabalitang malapit sa kanya ngayon na si Onemig Bondoc, tila naka-move on na rin si Zambales First District Representative Jay Khonghun matapos mapabalitang si Manila Vice Mayor Chi Atienza na ang bago nitong “mahal.”
Matatandaang noong Oktubre 2025 ay inanunsyo ni Aiko ang kanilang hiwalayan matapos ang 8 taon relasyon.
Lumutang ang closeness nina Jay at Chi matapos mag-post sa Instagram ang broadcaster na si Arnold Clavio na ipinakikilala umano ni Khonghun si Atienza bilang bagong ‘mahal’.
Si Chi ay anak ni dating Manila Mayor Lito Atienza at hiwalay na rin sa kanyang asawa na si Vladimir Neil “Von” Valdepeñas kung saan mayroon silang 3 anak.
Matatandaang bago maging public servant, naging miyembro noon si Chi ng Star Circle ng ABS-CBN at naging karelasyon nito noon ang actor-restaurateur na si Marvin Agustin.
Anne Curtis pinatulan ang basher na nairita sa panay english niya sa pelikula
Matatandaang nag-viral online ang pagpatol ni Anne Curtis sa isang netizen na pumuna sa trailer ng kanyang pelikulang ‘The Loved One’ katambal si Jericho Rosales.
Matapos kasing i-post ng aktres ang trailer sa kanyang X account, nag-reak ang isang netizen at sinabing nairita ito dahil panay English ang mga dialogue. Sagot ni Anne: “E di ’wag kang manood.”
Paliwanag ng aktres, hindi raw ito pagtataray kundi parang kausap lamang niya si Vice Ganda like …Parang kunwari si Vice Ganda ang kanyang kausap at sinabihan siya na, ‘Ano ba yang movie niyo, panay English!’ na ang magiging reaksyon daw niya, e ‘di wag kang manood.
Samantala, showing na ang ‘The Loved One’ sa Peb. 11 at may special ticket price ito na exclusive sa SM Cinemas na nagkakahalaga ng P275 sa Metro Manila at P 230 naman sa provincial theaters.