Advertisers
Ni Anne Venancio
Opisyal nang naordinahan bilang pastor si Edward Barber ng Favor Church Manila noong Enero 26, 2026, kasabay ng kanilang Leaders Advance.
Sa post ng Favor Church, makikitang hawak ni Edward ang certificate bilang simbolo ng kanyang bagong tungkulin sa simbahan.
Matagal nang ibinabahagi ni Edward ang kanyang pananampalataya at sinabi niyang mas lalo niyang na-realize ang kanyang calling matapos dumaan sa personal at emotional na pagsubok.
Sa kabila ng magandang career, nakaramdam umano siya ng kakulangan na nag-udyok sa kanya na pagtuunan ang ministeryo. Nilinaw naman nito na bukas pa rin siya sa pagtanggap sa mga proyekto sa showbiz.
Si Edward ay dating ka-loveteam ni Maymay Entrata na kung saan pareho silang naging PBB housemate.
***
****
Solenn Heussaff naging close lang kay Anne Curtis nang pakasalan ng kapatid
Inamin ni Solenn Heussaff na mas naging close niya si Anne Curtis nang mapangasawa ito ng kanyang kapatid na si Erwan Heussaff.
Sa panayam sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ noong Enero 21, sinabi ni Solenn na bagama’t matagal na silang magkaibigan, mas naging malapit lang matapos ang kasal.
Aniya, hindi sila nagkakasama sa lunch noon, pero mula nang mag-pandemic, mas madalas na silang nagba-bonding, lalo’t dalawang buwan lamang ang pagitan ng edad ng kanilang mga anak na sina Thylane at Dahlia Amélie.
Dagdag pa ni Solenn, magkatugma na ngayon ang kanilang mga pananaw at pinahahalagahan sa buhay, ang kanilang pamilya kaya mas maayos at magaan ang kanilang relasyon.