Advertisers
Ni Anne Venancio
Nilinaw ni Rita Daniela na wala na silang komunikasyon ng dating ka-loveteam at kaibigan na si Ken Chan.
Aniya, nalungkot siya sa pagkakasangkot ng aktor sa kasong syndicated estafa na inihain sa Quezon City Prosecutor’s Office kaugnay ng umano’y investment deal na nagkakahalaga ng ?14 milyon.
Diniin din niyang hindi na sila magkaibigan dahil sa mga naging isyu noon, kahit sinubukan nilang ayusin ang kanilang relasyon. Aminado ang aktres na naging totoo ang kanilang naramdaman at halos nauwi ito sa isang relasyon.
Nagreak naman si Rita sa intriga tungkol sa age gap nila ng dyowang basketbolista na si Mclaude Guadaña ng Lyceum of the Philippines University (LPU).
Aniya, hindi isyu sa kanila ang 6 yrs agwat kung saan 30 na siya at 24 lamang si Mclaude.
Giit ng aktres sa panayam ng PEP, “Isa siya sa pinakabatang nakarelasyon ko, but I think this is the most mature relationship I ever had.”
Dagdag pa niya, ang mahalaga raw ay solid ang kanilang samahan at close si Mclaude sa anak niyang si Juan “Uno” Andres.