Advertisers
HALOS 40 personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nahaharap sa reklamo dahil sa diumano’y bid rigging mula 2005 hanggang 2025, ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.
“Malapit na namin file-an ng cases yung Bids and Awards Committee ng BFP from 2005 to 2025. Nakita na namin yung system of bid rigging nila. And it involves billions and billions of pesos,” ani Remulla.
Binigyang-diin niya na lahat ng miyembro ng komite noong panahong iyon ay kasasakdal, at ilalabas ang buong ulat sa susunod na linggo.
Kasama rin sa imbestigasyon ang dating Quezon City fire marshal na diumano’y nag-utos sa ilang establisimyento sa Cubao na bumili ng labis na dami ng fire extinguishers—umabot sa 1,500 sa isang inspeksyon—na may mga supplier na pinaghihinalaang may kolusyon.
Ayon sa DILG, inilunsad ang imbestigasyon upang gibain ang diumano’y “organized crime syndicate” sa loob ng BFP, kabilang ang proseso ng recruitment, procurement, at pag-isyu ng fire safety permits.
(Boy Celario)