Advertisers
TINALO ng Pilipinang si Alexandra Eala ang Turkish wildcard na si Zeynep Sonmez, 6-4, 6-3, Martes ng umaga sa unang round ng WTA 500 Abu Dhabi Open sa Zayed Sports City International Tennis Centre sa United Arab Emirates.
Si Eala, na nakamit ang pinakamataas na ranggo sa kanyang karera bilang World No. 49 noong Lunes, ay makakalaban si Aliaksandra Sasnovich, na nag tanggal sa No. 8 seed na si Paula Badosa ng Spain, 6-4, 3-6, 6-1.
Ang Indonesian na si Janice Tjen ay umusad din, matapos talunin ang Australian na si Maya Joint, 7-6 (6), 3-6, 6-3 upang ihanda ang laban kontra sa No. 5 seed na si Ludmila Samsonova, na nagwagi laban sa Amerikanang si Sofia Kenin, 6-4, 6-0.
Sa doubles, makakaharap nina Eala at Tjen sina Leylah Fernandez ng Canada at Kristina Mladenovic ng France sa round-of-16.
Samantala, pinabagsak ng sixth-seeded na si Fernandez ang Pranses na si Chloe Paquet, 6-0, 6-3, upang ihanda ang isang second-round na laban kay American McCartney Kessler, na nagwagi laban kay Anastasia Pavlyunchenkova, 6-3, 6-3.
Iba pang mga nagwagi sa unang round ay sina British na si Sonay Kartal laban sa Spanish na si Cristina Bucsa, 6-3, 7-6 (8); Swiss na si Simona Waltert laban sa Australian na si Daria Kasatkina, 7-6 (5), 3-6, 6-4; American na si Hailey Baptiste laban sa Serbian na si Teodora Kostovic, 4-6, 6-3, 6-4; at Czech na si Sara Bejlek laban sa American na si Ashlyn Krueger, 6-3, 6-0.
Haharapin ni Kartal ang defending champion at No. 1 seed na si Belinda Bencic ng Switzerland, makikipag-laban naman si Waltert sa No. 3 seed na si Clara Tauson ng Denmark, lalaban si Baptiste sa No. 4 seed na si Emma Navarro ng USA, habang haharapin ni Bejlek ang No. 7 seed na si Jelena Ostapenko ng Latvia, na nagwagi laban kay Oksana Selekhmeteva, 5-7, 7-6 (4), 6-2.
Si Bencic, Tauson, at Navarro ay nagkaroon ng first-round byes kasama ang No. 2 seed na si Ekaterina Alexandrova, na makikipag-laban sa Ukrainian na si Dayana Yastremska, na nagwagi ng 6-2, 7-5 laban sa Brazilian na si Beatriz Haddad Maia.