Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Naging kontrobersyal noon ang TikTok video ni Jillian Ward kung saan habang nagsasayaw siya ay may special appearance ang isang maskuladong lalake na tinawag niyang mystery guy.
Katunayan, hinulaan ng netizens na ang nasabing guy ay walang iba kundi ang boksingero at Sparkle artist na si Eman Bacosa.
Very vocal naman kasi si Eman sa pagsasabi noon na crush niya si Jillian.
Gayunpaman, nilinaw ng anak ng Manny Pacquiao na hindi siya ang lalake sa naturang video.
Sa panayam naman kay Jillian ni Boy Abunda, sinabi nito na sa tamang panahon daw ay ipakikilala niya ang identity ng naturang ‘mystery guy’ na naitampok sa kanyang viral TikTok video.
Nagbigay din siya ng clues tungkol sa personalidad ng nasabing guy na diumanoý nanliligaw at nagpapakilig sa kanya.
Hirit niya, nasa showbiz daw ang nabanggit na lalake na bukod sa acting ay may iba pang skills.
Nambitin naman ang aktres nang tanungin ng King of Talk sa Fast Talk kung nasa Kapuso network ang naturang guy.
Aniya, gusto raw muna niyang isikreto ang identity nito.
Hindi rin niya tinumbok kung mestiso o moreno ito pero sinabi niyang nasa 22 hanggang 24 ang edad nito.
Sey pa niya, matangkad daw si mystery guy.
“He’s tall, hindi lang po halata sa video kasi naka medyo crouched down siya para nga hindi kita ‘yung mukha niya,”bulalas niya.
Pag-amin pa ni Jillian, nakilala raw niya si Mystery Guy sa showbiz, pero saka na lang niya ito ipakikilala sa publiko kung magtatagal ang kanilang relasyon.
Pagbibida niya: “Sa lahat ng mga nanliligaw sa akin, I think, siya ‘yung talagang pinapa-feel niya na special ako.””
Todo rin daw ang suporta ni Mystery Guy sa mga gusto niyang gawin kasama na sa kanyang career.
“Game naman po siya sa lahat ng gusto kong gawin. He gets my job,” esplika niya.
Base naman sa feedback ng netizens, may mga nagsasabing ang naturang guy daw ay walang iba kundi ang dating PBB housemate at actor-host na si Michael Sager.
May mga humula ring ito ay ang Kapuso actor na si Raheel Bhyria.
Siyempre, wala na sa pagpipilian si Eman Bacosa dahil una nang idinenay ng boksingerong anak ni Manny Pacquiao na siya ang hinuhulaang mystery guy.
Gayunpaman, nagbigay siya ng clues tungkol sa personalidad ng nasabing guy na diumanoý nanliligaw at nagpapakilig sa kanya.
Hirit niya, nasa showbiz daw ang nabanggit na lalake na bukod sa acting ay may iba pang skills.
Nambitin naman ang aktres nang tanungin ni Boy Abunda sa Fast Talk kung nasa Kapuso network ang naturang guy.
Aniya, gusto raw muna niyang isikreto ang identity nito.
Hindi rin niya tinumbok kung mestiso o moreno ito pero sinabi niyang nasa 22 hanggang 24 ang edad nito.
Sey pa niya, matangkad daw si mystery guy.
“He’s tall, hindi lang po halata sa video kasi naka medyo crouched down siya para nga hindi kita ‘yung mukha niya,”bulalas niya.
Pag-amin pa ni Jillian, nakilala raw niya si Mystery Guy sa showbiz, pero saka na lang niya ito ipakikilala sa publiko kung magtatagal ang kanilang relasyon.
Pagbibida niya: “Sa lahat ng mga nanliligaw sa akin, I think, siya ‘yung talagang pina-pafeel niya na special ako.””