Advertisers

Advertisers

BAGONG AKLAT

0 7,474

Advertisers

NGAYONG Sabado, ika-7 ng Pebrero, ilulunsad ang aking aklat na may pamagat “KILL KILL KILL Extrajudicial Killings in the Philippines; Crimes Against Humanity v. Rodrigo Duterte Et. Al. Revised and Updated Edition.” Pook: Bulwagang Plaridel, National Press Club sa Magallanes Drive, distrito ng Intramuros sa Maynila. Oras: 2-4 ng hapon.

Abot sa 392 pahina ang aking aklat; puti ang papel; at soft cover. Dokumentasyon ito ng madugo pero bigong giyera kontra droga ni Gongdi. Tinalakay namin ang maraming detalye kung paano naging bahagi ng polisiya ng gobyerno ni Gongdi na puksain ang mga pinaghihinalaang adik at tulak ng bawal na gamot. Aming isinulat kung ano ang epekto ng ganitong polisiya sa gobyerno at kung sino-sino ang dapat sisihin.

Tinalakay namin kung paano dinakip si Gongdi noong ika-11 ng Marso, 2025. Idinetalye namin kung ano ang kanyang maaring kasapitan habang nasa kulungan siya ng International Criminal Court (ICC) sa Olandiya. Sa maikli, kasama sa aklat ang mga detalye kung paano umimbulog ang isyu ng war on drugs ni Gongdi at ang mga labag sa batas na ginawa ni Gongdi kasama ang mga matapat na alalay tulad ni Bato dela Rosa, Bong Go, at mga heneral ng PNP.

Inumpisahan namin isulat ang aklat nang nagdeklara ng malupit na lockdown si Gongdi noong 2020. Natapos namin ang unang akda noong huling bahagi ng 2023 at inilabas namin ang unang akda noong 2024. Dahil maraming nangyari sa huling dalawang taon, gumawa kami ng isang binagong akda kung saan isinama namin ang mga nangyari hanggang Nobyembre, 2025.

May pagtalakay kami sa binuong QuadCom noong 2025 na nagdaos ng 15 madugong sesyon at kasama sa tinalakay ang madugong war on drugs ni Gongdi. Kinilala namin ang kanilang katangi-tanging ambag sa diskusyon ng war on drugs ni Gongdi.

Mayroon 18 tsapter ang aking aklat. Kasama sa talakayan ang mga detalye tungkol sa ICC na dumakip kay Gongdi. Maraming bagay ang hindi ganap na nauunawaan ng mga Filipino at kasama ang mga dahilan kung bakit ang pandaigdigang hukuman ng ICC ang humuli sa kanya. Tinalakay namin ang kawalang saysay ng Senado sa kasalukuyang talakayan sa digmaan kontra droga at kasama ang ilang senador na mistulang balewala.

Pinili namin ang National Press Club bilang pook na paggaganapan ng aking book launch dahil nagsisilbi itong templo na malayang pamamahayag. Kasama ako sa mga mamamahayag na labis na naniniwala sa karapatan ng bawat mamamayan na magpahayag ng kanilang saloobin at ideya kahit hindi katanggap-tanggap. Kinilala ko ang Saligang Batas bilang sandalan ng karapatan sa pamamahayag.

May inihanda kaming programa upang magsilbing cultural presentation ang book launch. Tutugtog ang batikang Violist na si Jay Cayuca. Magbabasa si Ruby Paredes-Macario ng mga natatanging tula ni National Artist Virgilio Almario na kilala sa kanyang pen name na Rio Alma. Ipapakilala ako ng aking kaibigan at kasamang mamamahayag na si Jarius Bondoc, ang kolumnista ng Philippine Star.

***

ISINULAT ako ang sanaysay na ito noong 2022 nang lumutang ang panukala na bigyan ng pension ang mga dating pangulo. Kasama ako sa tumutol at ito ang aking dahilan:

WE DON’T need a law giving some perks and even pension to former presidents. They don’t need it. It is a superfluity.

Just a brief history. The U.S. has this kind of policy because of Harry Truman. When he finished his term of office as president, Truman returned and retired in a house in his hometown of Independence in Missouri. It was learned that Truman did not own the house. It belonged to his father-in-law, who was glad to have his family stay there.

Ironically, Truman, despite being a relatively successful politician (he became a senator, vice president, and president), could not provide a house for his family.

As a politician, Truman was straight as an arrow. Hindi magnanakaw kahit eight years siya sa White House. Truman had to write a book about his memoirs so that he could have his own money.

Lawmakers did not like the idea of having a poor former president, a destitute who did not have a steady income. So they passed a law giving a pension to any former president.

Dito sa atin, hindi nila kailangan ang ganyan… Lahat sila sobra ang yaman dahil sa pagnanakaw. They can live like kings for 20 lifetimes and their hidden wealth would be more than enough… Hindi nila mauubos iyan.