Advertisers
Naaresto ang dalawang lalaking nakatala bilang Most Wanted Persons (MWP) ang magkahiwalay na natimbog sa Caloocan City at Valenzuela City, araw ng Miyerkoles makaraan ang implementasyon ng warrants of arrest ng mga operatiba.
Sa Caloocan City, isang 43 -anyos na lalaki ang inaresto sa Barangay 183 Caloocan City, ng mga operatiba ng District Special Operations Unit sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa Anti-Carnapping Act of 2016 (RA 10883), na may piyansang inirekomenda ng hukuman na P300,000.00, sa follow-up operations hinggil sa kasong theft na may kinalaman sa motorcycle at tricycle components sa Barangay Malaria, Caloocan City.
Sa Valenzuela City, isang 47- anyos naman ang nasakote sa Barangay Gen. T. De Leon ng mga operatiba ng Station Intelligence Unit ng VCPS na pinamumunuan ni Police Chief PCol. Joseph Talento .
Naaresto azng suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Frustrated Homicide, na may piyansang P24,000.00.
Nagpaabot ng papuri si Northern Police District Director PBGen. Christopher Dela Cruz sa pulisya na nagsisikap na iselda ang mga wanted sa batas sa pagsasagawa ng manhunt operation upang papanagutin sa krimeng ginawa ng mga akusado. .(Beth Samson)