Advertisers
Sumuko na rin sa mga awtoridad ang isang lalaki na kasabwat ng naarestong suspek sa nag-viral na jumper boss sa Tondo, Maynila.
Personal na nagtungo ang suspek na si Chris Adriano , alyas Jumong ,sa Don Basco Police Station isang araw matapos manawagan ang pulisya na sumuko na.
Kasabwat umano ni Raul Fernandez alyas Boy Paldo na nauna nang inaresto kaugnay sa insidente.
Sangkot ang dalawa sa Viral video na nagpapakita ng umanoy pagnanakaw ng copper materials mula sa isang truck sa kahabaan ng Capulong Street sa Tondo.
Ayon sa pulisya sumuko si Adriano sa gitna ng nagpapatuloy na koordinasyon sa truck driver at may-ari na hindi pa nagpapasya kung itutuloy ang pormal na paghahain ng reklamo.
Ang pag-aresto kay Fernandez at pagsuko ni Adriano bahagi ng pinaikling na police operations sa Tondo matapos kumalat ang Virac video sa social media. (Jocelyn Domenden)