Advertisers

Advertisers

Pia muntik nang madulas

0 21

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Nag-viral ang isang clip kung saan makikita si Pia Wurtzbach Jauncey na lumalakad sa hallway suot ang isang long, black gown.

Kaso sa haba ng kanyang gown ay muntik na siyang madulas.

Nangyari ang insidente sa Stephane Rolland show sa Paris Fashion Week.

Trending naman ito nang ma-feature sa isang foreign magazine.

Ayon sa ulat ng magazine, muntik nang madulas si Deborah Hung with matching image ng 2015 Ms.Universe.

In other words, na-wow mali ang report dahil napagkamalan si Pia bilang nasabing Mexican model.

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon ang naturang video mula sa mga katkatera at sawsawera.

Ito ang ilan sa komento ng kibitzers.

“Hahaha.Na-wow mali ang foreign mag.Napagkamalan siyang si Deborah Hung.”
“At least, kahit muntik nang madulas, di nawala ang poise niya.”
“Kaloka, napagkamalan siyang Mexican model.”
“Halos magkamukha naman kasi sila.”
“Unexpected moment iyan.”
“Parang nakakawala ng poise sa beauty queen.”
“Freak accidents do happen.Ingat , Ms.U!”
****
VLF 2027 bukas na sa pagtanggap ng mga kalahok
Bukas na ang pagtanggap ng mga kalahok sa ika-22 edisyon ng Virgin Labfest.

Tumatanggap na ang nasabing taong pestibal na pangteatro ng entries mula sa mga bagito at batikang manunulat.

Ang deadline sa pagsusumite ng entries ay itinakda sa Pebrero 28, 2026 sa ganap na 11:59 ng gabi.

Sa mga interesadong sumali, puwede nilang ipadala ang kanilang mga likha sa thewritersblocinc@gmail.com

Para maging kuwalipikado, ang mga dula ay dapat na nasa .doc,.docx or .pdf file format.

Ang mga iskrip na akda lamang ng mga Pinoy ang tatanggapin.

Ang bawat dula ay dapat na may running time na 40 minuto o humigit kumulang na 25 hanggang 35 pahina ng iskrip.

Mula sa mga nagsumite, labindalawang kalahok ang pipiliin.

Ang mga mapipiling entries ay iaanunsyo sa pagtatapos ng VLF 21 sa Hunyo ngayong taon.

Ang mga dula naman ay itatanghal sa Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Blackbox Theater) sa 2027.

Ang Virgin Labfest ay hatid ng The Writer’s Bloc, Inc., Tanghalang Pilipino Foundation, Inc., at Cultural Center of the Philippines (CCP).

Layunin nitong suportahan ang mga bago at orihinal na likhang Pinoy ng mga bagong sibol na artists at playwrights.