Advertisers

Advertisers

Bigas ng NFA isusubasta

0 14

Advertisers

Inanunsiyo ng National Food Authority (NFA) na magsasagawa ito ng auction ng “aging rice” sa Pebrero 20.

Ito, ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, ay bilang pagsunod sa mandato ng batas.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, sinabi ni Lacson na layunin nitong maibenta ang bigas bago ito maging ‘unfit for human consumption’ at upang mapaluwag ang mga bodega ng ahensya.

Ayon kay Lacson, may pre-auction conference na isasagawa bago tanggapin ang mga bid ng mga interesadong kalahok dito.

Sinabi pa ng opisyal na ang aging rice ay mga bigas na lampas tatlong buwan mula nang ito ay ma-mill.

Bagama’t may edad na, ayon kay Lacson, pumasa pa rin umano ang mga ito sa laboratory tests at ligtas namang kainin.

Tinatayang nasa 750,000 hanggang 754,000 sako ng milled rice ang isasama sa nakatakdang subasta ng NFA. (Gilbert Perdez)