Advertisers

Advertisers

‘Prosekusyon hirit na pahabain ang oras ng impeachment trial ni VP Sara’

0 5

Advertisers

INIHIRIT ng prosekusyon sa Senate Impeachment Court na pahabain ang oras ng pagdinig o magdagdag ng araw ng paglilitis upang mapabilis ang impeachment trial laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte.

Ayon kay House impeachment panel spokesperson Ace Barbers noong Sabado, Agosto 29, naiinip na ang taong-bayan sa usad ng kaso, lalo na’t nabawasan ang mga araw ng paglilitis dahil sa mga nagdaang suspensyon sa panahon at problema sa iskedyul ng mga testigo.

Iminungkahi ni Barbers na gawin ang legislative work ng mga senador sa umaga mula alas-9:00 a.m. hanggang alas-3:00 p.m., at isunod agad ang impeachment trial pagkatapos nito.



Upang mapabilis ang proseso, sinabi ni Barbers na pinag-aaralan na rin ng prosekusyon na bawasan ang kanilang mga testigo kung ang mga sasabihin naman ng mga ito ay mauulit lamang.

Umapela rin siya sa media at mga social media blogger na gawing mas maikli at madaling maiintindihan ang pagpapaliwanag sa publiko upang hindi sila mawalan ng interes na sumubaybay sa takbo ng paglilitis.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">