Advertisers

Advertisers

3 CAFGU minasaker ng kabaro

0 75

Advertisers

Nasawi ang tatlong miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) Active Auxiliary at dalawa ang sugatan nang pagbabarilin ng katropa sa Allangigan Patrol Base sa Barangay Apatan, Pinukpuk, Kalinga noong Martes ng gabi.
Sinabi ni Police Capt Ruff Manganip, tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Office, naganap ang insidente 8:50 ng gabi.
Sa report, walang habas na nagpaputok umano ng M-16 Armalite rifle ng wala umanong dahilan ang salarin na miyembro rin ng CAFGU Active Auxiliary na nakatalaga sa patrol base.
Tatlo sa kanyang mga kasamahan ang napatay at dalawa pa ang nasugatan.
Tumakas ang salarin matapos ang pamamaril nguni’t kalaunan natunton at naaresto sa Pinukpuk.
Sa inisyal na pagsisiyasat sinasabing napikon umano ang salarin sa biro ng mga biktima dahil sa pagiging matandang binata nito na isa ring meyembro ng CAFGI. (Fidel Coloma)