Advertisers

Advertisers

Briton na sex offender tiklo sa Romblon

0 55

Advertisers

NAARESTO ng mga ope-ratiba ng Bureau of Immigration – Fugitive Search Unit (BI – FSU) ang isang British national na sex offender sa kanyang bansa.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang naaresto ay si Andrew Charles Beaumont, 47-anyos, na naareto sa Barangay Agmanic, Sta. Fe, Romblon.
Sa rekord, registered sex offender si Beaumont sa United Kingdom at subject ito sa life-long Sexual Offence Notification Order na inisyu noon pang 2012.
Na-convict din ang banyaga sa Australia noong 2009 dahil sa ‘sexual abuse of a minor’.
Sa court record, nahatulan ang dating guro ng apat na taon at anim na buwan pagkakabilanggo kabilang na ang three-year non-parole period matapos masangkot sa paulit-ulit na sexual activity sa 15 years old na biktima sa loob ng anim na linggo.
Sa pagsisiyasat ng BI gamit ang database, nabatid na dumating ang Briton sa bansa September 19, 2022 at nakapasok ito bilang temporary visitor.
Binigyan ito ng extension hanggang November 2023 kaya isa na itong overstaying alien.
Napag-alaman na ang Briton ay nagtuturo ng scuba diving sa resort na exclusive lang sa mga banyaga.