Advertisers

Advertisers

Hirit na clemency ni Veloso pinag-aaralan pa – Malacañang

0 45

Advertisers

PATULOY pang sinusuri ang mga dokumento kaugnay ng hirit na clemency ni Mary Jane Veloso kasunod ng pana-wagan ng kanyang pamilya at migrant advocates.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Claire Castro, kasalukuya pang pinag-aaralan ang ‘minutes of the meeting’ na may kaugnayan sa naging negosasyon at repatriation ni Veloso upang matiyak na walang malalabag na protocol sakaling magdesisyon ang Pangulo.

Paliwanag ni Castro, tinitingnan ang naging usapan noong isinuko si Veloso sa Pilipinas upang malinaw ang mga naging kasunduan sa pagitan ng mga panig na sangkot sa proseso.



Sa tanong kung may posibilidad bang pagkalooban ng clemency, sinabi ni Castro na hindi pa ito masasabi sa ngayon dahil patuloy pa ang pag-aaral sa mga detalye ukol dito.

Bukod dito, wala ring maibigay na tiyak na timeline ang Palasyo hinggil sa posibleng desisyon habang hinihintay ang resulta ng masusing pagsusuri sa mga nasabing dokumento. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">