SEN. ERWIN TULFO, CHINESE AMBASSADOR NAGPULONG KASAMA ANG DFA
Advertisers
ISANG makasaysayang pagpupulong ang ginanap sa pagitan nina Senate Foreign Relations Panel Chairman Erwin Tulfo, Chinese Ambassador Jing Quan at Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Theresa Lazaro nitong Lunes ng tanghali.
Napag-alaman na sa nasabing meeting, napagkasunduan ang pagkakaroon ng tuloy-tuloy na pag-uusap at ‘diplomatic meetings rather than public discourse.’
Ang naturang luncheon meeting na ginanap sa isang restaurant sa Pasay City ay naging posible sa pamamagitan ng DFA at tumagal nang mahigit isang oras.
Doon ay nagkaroon ang mga nasabing opisyal ng isang dialogue na nakatuon sa pagpapanatili ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa pamamagitan ng diplomatic channels.
Ang pagpupulong kung saan nagpakita ng respeto ang lahat ay naglalayong pag-ibayuhin ang magandang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa. (JERRY S. TAN)