Advertisers
NASAKOTE sa nangyaring habulan sa pagitan ng mga nagpapatrolyang pulis ng Carmona Component City Police Station ang isang 40 anyos na lalakeng suspek na hinihinalang nagbebenta ng iligal na droga matapos na takasan nito ang nakabanggaang motorsiklo sa kahabaan ng Governors Drive, Brgy. Mabuhay, Carmona City, Cavite at nasamsaman pa ng halagang 510 Thousand Pesos ng iligal na droga at isang hindi lisensyadong baril.
Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame General Headquarters inabotan at nakorner umano ng mga pulis ang tumakas na suspek malapit sa tapat ng isang bangko sa Barangay Maderan ng General Mariano Alvarez, Cavite, at ng siyasatin ang sasakyan ng suspek ay nadiskubre ng mga awtoridad ang 11 heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng mga hinihinalang shabu na may timbang na 75 grams at mayroon estimated street market value na P510,000, at mga drug paraphernalia kasama din nakuha ang isang cal.9mm Bersa Thunder na pistola at 22 piraso ng mga bala.
Ayon naman kay PNP Chief General Jose Melencio C. Nartatez Jr.maliban sa kasong Reckless Driving with Physical Injury and Damage to Property ay mahaharap din ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive on Firearms and Ammunitions Law na pasamantalang nasa kustodiya ngayon ng Carmona City Custodial and Holding Facility bago iharap sa korte.(Koi Laura)