Advertisers

Advertisers

Mike Defensor tinawag na ‘Wonder Boy’, ‘Ador Mawanay 2.0’ ng Malakanyang

0 27

Advertisers

HINDI nagpatinag ang Malacañang sa panibagong alegasyon ng umano’y bilyong pisong bribery at sa halip ay tahasang kinuwestiyon ang integridad ng pinagmulan nito—si dating Congressman Mike Defensor.

Para sa Palasyo, hindi sapat ang pagbanggit sa “bagong batch” ng mga dating sundalo na handang tumestigo kung walang inilalatag na konkretong ebidensiya.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi na bago si Defensor sa mga pahayag na may bahid ng pulitika at panawagang patalsikin ang Pangulo.



Aniya, malinaw umano ang pattern—maghagis ng mabibigat na akusasyon upang magdulot ng ingay at pagdududa sa administrasyon.

Sa press briefing sa Malacañang, hindi nagdalawang-isip si Castro na bansagan si Defensor bilang “wonder boy” at “Ador Mawanay 2.0,” iniuugnay ito sa naging papel noon ni Ador Mawanay.



Si Mawanay ay naging star witness noong 2001 laban kay Ping Lacson, ngunit kalaunan ay umatras at binawi ang kanyang mga paratang—isang pangyayaring ngayon ay ginagamit na halimbawa ng Palasyo sa umano’y mga testigong kulang sa paninindigan.

Bukod dito, ibinunyag ni Castro na may impormasyon siyang may isang “operator” mula sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Maca-pagal Arroyo na umano’y kumikilos sa likod ng isyu.



Hindi man pinangalanan, iginiit ni Castro na kapag lumilitaw ang naturang indibidwal sa isang kontrobersiya, may dahilan para magduda ang publiko at magtanong kung ano ang tunay na motibo. (Gilbert Perdez)