Advertisers

Advertisers

Higit 2,100 Kankaloo, nakinabang sa libreng serbisyong medikal

0 2

Advertisers

Mahigit 2,100 residente ng Lungsod ng Caloocan ang nakinabang sa libreng serbisyong medikal na handog ng dalawang ospital ng lungsod, ang Caloocan City Medical Center (CCMC) at Caloocan City North Medical Center (CCNMC), gayundin ng City Health Department (CHD), bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-64 Anibersaryo ng Pagkakalungsod ng Caloocan.
Isinagawa ng CCMC ang kanilang lingguhang inisyatiba mula Pebrero 9 hanggang 13, habang Pebrero 16 hanggang 20 naman ang programa ng CCNMC.
Samantala, nagsagawa rin ang CHD ng One-Stop Shop Community-Based Health Services sa mga lokal na health center sa North at South Caloocan.
Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang libreng x-ray at breast ultrasound, serbisyong dental at ophthalmology, pati libreng electrocardiogram (ECG) at bone scan.
Nagpasalamat si Caloocan Mayor Dale Gonzalo Malapitan sa dalawang ospital at sa CHD sa patuloy na pagtupad sa prayoridad ng administrasyon sa serbisyong pangkalusugan. Iginiit din niya ang patuloy na pangako ng pamahalaang lungsod na gawing mas abot at mas accessible ang mga programang medikal para sa publiko.
“Hindi naman po sikreto na malaki ang prayoridad ng pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng libre at dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan, kaya pinasasalamatan ko ang CCMC, CCNMC, at CHD sa patuloy nilang pagtugon sa ating direktiba,” ani Mayor Along.(BR)