Advertisers

Advertisers

201 na patay sa atake ng US-Israel sa Iran

0 8

Advertisers

MAHIGIT 200 katao na ang nasawi sa isinasagawang joint strikes ng Amerika at Israel laban sa Iran.
Batay sa report, sumampa na sa kabuuang 201 ang kumpirmadong bilang ng mga binawian ng buhay habang 747 ang sugatan sa 24 lalawigan ng bansa.
Samantala, iniulat ng Islamic Republic News Agency (IRNA) na kabilang sa mga nasawi ang 108 katao nang tamaan ng strike ang isang girls’ school sa Minab, timog bahagi ng Iran.
Ayon kay Foreign Minister Abbas Araghchi, ang nasi-rang gusali ay isang primary school para sa mga batang babae.
Napag-alaman na ang paaralan ay may layong 60 metro mula sa isang Iranian military base at dati nang na-ging base militar ngunit ma-tagal na itong nahiwalay si-mula 2016.
Patuloy pang inaalam ang buong lawak ng pinsala at bilang ng mga biktima habang tumitindi ang tensyon sa rehiyon.
Wala pang hiwalay na kumpirmasyon mula sa independent sources hinggil sa kabuuang bilang ng mga nasawi.
Sa kabilang banda, sinabi ng tagapagsalita ng U.S. Central Command (CENTCOM) na si Tim Hawkins, aware sila sa mga ulat ng civilian casualties at bineberipika pa ang insidente.
Binanggit niya na pa-ngunahin ng Amerika ang proteksyon ng sibilyan, iniulat na patuloy ang lahat ng hakbang upang mabawasan ang panganib sa rehiyon.