Advertisers
INANUNSYO na ng Iranian state television nitong Linggo ang pagkasawi ni Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei sa pag-atake ng Estados Unidos at Israel sa Iran.
Sa broadcast, sinabi ng presenter na pumanaw na ang 86-anyos na lider, na nagsilbi bilang supreme leader ng Iran mula pa 1989.
Kasabay nito, ibinalita rin ang 40-araw na mourning period na ipatutupad sa bansa.
Una nang kinumpirma ni US President Donald Trump sa isang post sa Truth Social ang pagkamatay ni Khamenei matapos ang isinagawang airstrikes.
Ayon sa mga ulat, nasawi rin sa atake ang apat na kamag-anak ng lider, kabilang ang kanyang babaeng anak, babaeng apo, at manugang.
“After establishing contact with informed sources in the Supreme Leader’s household, the news of the martyrdom of the daughter, son-in-law and granddaughter of the Revolutionary Leader has unfortunately been confirmed,” ayon sa Fars news agency at ibang Iranian media sa ulat ng Agence France Presse.
Nitong Linggo, binomba ng US-Israel forces ang isang eskuelahan sa Iran. Higit isandaan estudyante ang nasawi.