Advertisers
BANGKAY na nang ma-tagpuan ang tatlo katao, kabilang ang isang babae at 82-anyos na lolo, sa loob ng kanilang compound sa Purok 4, Barangay Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija, Sabado ng umaga.
Kinilala ang mga biktima na sina Romulo Sangalang y Jimenez, 82, negosyante, ng Brgy. San Francisco, Maba-lacat, Pampanga; Theodore Sangalang y Jimenez, driver, Brgy. Sasabay, Guimba, Nueva, Ecija; at Rose Yuzon, ng Brgy. Baloc, Nueva, Ecija.
Ayon sa pulisya, sa hitsura ng mga biktima, lalo ang matandang si Romulo, makikitang matindi ang pinagdaa-nan nilang hirap sa kamay ng mga salarin bago tuluyang pinaslang.
Bukod sa nakahandusay sa sahig ang matanda, may mga tama ng bala ng baril sa ulo, nasasakal ng alambre sa leeg, at nakagapos ang kanyang mga kamay.
Ang kanyang kaanak na nagsisilbi niyang driver, nakasalampak, nakagapos ang mga kamay, may tama ng bala ng baril sa ulo, katawan, at naiwan pang nakatusok sa kanyang batok ang isang kut-silyo.
Ang babae naman na may mga tama ng bala sa katawan, natagpuan sa loob ng container van na kanyang tinutulugan.
Nagkalat din ang mga gamit ng mga biktima at dokumento sa loob ng container van at maging ang sasakyan na pag-aari ni Romulo, nakabukas ang mga pintuan.
Ayon sa mga residente na malapit sa lugar, nakarinig sila ng ilang putok ng baril mula sa compound kungsaan natagpuang patay ang mga biktima.
Pero dahil malayo ito sa kalsada at nasa gitnang bukid, hindi na nila ito gaanong bi-nigyang pansin.
Nagulat na lamang sila nang malamang may natagpuang mga patay sa loob ng compound.
Ang matandang Romulo ang sinasabing may-ari ng lupa apadalaw-dalaw lamang ito sa lugar.
Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang mga awtoridad ukol sa insidente dahil patuloy pa ang kanilang imbestigasyon para sa ikalulutas ng krimen.