Advertisers

Advertisers

DIGMAAN BAKIT NGA BA?

0 68

Advertisers

LUMALA na ang hidwaan ng US-ISRAEL-IRAN at may Pinoy ng nadamay sa pangbobomba ng naggagantihang mga bansa.

Bakit nga ba may mga ganito pang pangyayari sa ating mga buhay? Ganong lahat naman tayo’y naghahangad ng kapayapaan at katahimikan. Tila nagbabago na ang mga ugali ng mga lider ng bansa.

Kahit malayo ang hidwaang ito na ating nasasaksihan, naging delikado at maoanganib para sa iba nating mga kababayan ang digmaang ito. Sila yaong mga nakipagsapalaran upang mangibang bayan para buhayin ang pamilya.

Gaya na lamang ni Mary Anne Velazquez Rivera na taga-Pangasinan
isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nagtatrabaho sa Israel. Caregiver si Mary Anne na tinutulungan ang kanyang alaga para dalhin sa bomb shelter, ngunit hindi na nakaabot dahil tinamaan ng shrapnel ng mga bumagsak na bomba galing sa Iran.

Namimilgro din ang ilan bayan sa United Arab Emirates, lalo na ang mga bansang may mga base militar ng US, gaya ng Bahrain, Oman, Qatar at Dubai.

Napakaraming mga Pilipino diyan sa bandang Middle East at sana wala nang Filipinong madamay sa mga pangbobomba.

Ipagdasal nating lahat na umiral ang kapayapaan at tuwirin ang pag-iisip ng mga lider ng bansa, na walang mabuting mapapala sa digmaan.

Sa digmaan walang nanalo, lahat ay talo. Lahat ay muling babalik sa oag-uumpisa. Magsisimulang bumangon, upang ang mga pinalad na nakaligtas sa kamatayan, ay patuloy na mamuhay sa gitna ng kahirapan.

Sa atin naman, panalangin ko at dapat din nating ipagdasal ang patuloy na napupunit na samahan sa pagitan ng Pilipinas at China, sa pag-aagawan sa West Philippine Sea. Maintindihan sana ng China na di kanila ang inuukupa nilang bahagi ng karagatang kanilang pinagpipilitang pag-aari nila. Huwag na sanang mauwi sa digmaan ang hidwaang ito.