Advertisers

Advertisers

4 tulak nakuhanan ng shabu at baril sa Bulacan

0 9

Advertisers

Arestado ang apat katao, kabilang ang isang High Value Individual (HIV) na nasa listahan ng PDEA, sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Sitio Kalayakan, Brgy. Kalawakan, Doña Remedios Trinidad, 3:30 ng hapon Marso 1 2026.
Sa report ni PCpt.Marc Henry SJ Gonzales kay PNP Provincial Director “The Hunter” PCol.Angel Garcillano,kinilala ang suspek na si alyas Pedring, na nasa listahan HVI ng Pdea, alyas Bentong, alyas tuko, at alyas Eva, kapwa residente sa nabangit na lugar.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000.00, buy-bust money
Bukod dito nakumpiska rin ang isang glass pouch, isang improvised shotgun na may dalawang (2) bala, isang cal.45 na baril na isang magazine at dalawang (2) bala, isang cal.38 na baril na may dalawang (2) bala, at isang Mitsubishi Strada, at isang motorsiklo.
Katuwang ng Drug Enforcement Unit ng DRT ang mga operatiba ng San Miguel MPS, 301st Regional Mobile Force Battalion 3, Bulacan PDEA RO3, at Bulacan Provincial Intelligence Unit na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.
Mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, partikular sa Sections 5, 11, at 26, at R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (Thony D. Arcenal)