Advertisers

Advertisers

DISKURSO SA PAGRERECRUIT NG NPA SA MGA KABATAAN DAPAT NA PINALALAKAS

0 11

Advertisers

NAGMUNGKAHI ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa mga unibersidad sa buong bansa na itaas ang antas ng diskurso hinggil sa insurgency, recruitment ng kabataan, at kalayaan sa akademya at hindi propaganda o mga slogan lamang ang dapat mangibabaw sa mga talakayan sa loob ng mga kampus upang makamit ang makatarungang kapayapaan at tunay na nation-building.

Napansin ito ng task force matapos magsulputan ang mga diskusyon sa social media na galing sa isang forum na ginanap noong nakaraang taon sa University of Santo Tomas ay nagpapakita ng patuloy na tensiyon sa pagitan ng kalayaan sa akademya at ng pangangailangang harapin nang hayagan ang realidad ng insurhensiya at ang pagrekrut ng kabataan sa armadong pakikibaka.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, sinabi ni Ernesto C. Torres Jr., executive director ng NTF-ELCAC, na ang
“ang mga unibersidad ay matagal nang mga espasyo kung saan nagbabanggaan ang mga ideya. Dito sinusubok ang mga paniniwala at pinagdedebatehan ang mahihirap na usaping pambansa. ”

Ang layunin nito ayon kay Torres ay itaas ang antas ng diskurso sa paraang nagtataguyod ng kapayapaan at kalayaan sa akademya, at inililihis ito mula sa propaganda tungo sa makatarungang kapayapaan at nation-building.

Binigyang-diin ni Torres na kinikilala at iginagalang ng pamahalaan ang mahalagang papel ng mga institusyong pang-akademiko bilang mga lugar kung saan malayang nakapagpapalitan ng ideya ang mga estudyante at guro, nakapagtatanong sa mga umiiral na pananaw, at nasusuri maging ang mga pinaka-kontrobersyal na isyu ng bansa.

Aniya, ang forum na ginanap sa UST ay bahagi ng mahabang tradisyon ng bukas na talakayan sa akademya.
Gayunman, iginiit ni Torres na ang mga indibidwal na nagsasalita tungkol sa insurhensiya at rekrutment ng kabataan—lalo na ang mga dating rebelde at mga iskolar na may direktang karanasan—ay hindi dapat awtomatikong ituring na kalaban ng kalayaan sa akademya.

Marami sa kanila ang nagsasalita nang tapat tungkol sa mga usaping ito dahil nakita nila mismo kung paano nahihila ang mga kabataan sa siklo ng karahasan sa pamamagitan ng manipulasyong ideolohikal, o kung tawagin ng iba ay ‘terror grooming.’

Dapat nga, ay marami pang forum ang isagawa ng mga kolehiyo at mga unibersidad, na tumatalakay sa panghihikayat ng NPA sa ating mga kabataan, upang maiwaksi sila sa kasamaan dulot ng pagiging kasapi ng CPP-NPA-NDF.