Advertisers

Advertisers

Pag-import ng langis mula sa Russia at mga karatig-bansa sa Asya ikinokonsidera na rin ng Pilipinas

0 12

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Energy (DOE) na nakikipag-usap na rin ang Pilipinas sa Russia para sa pag-import ng langis.

Ayon kay Energy Sec. Sharon Garin na maging ang mga kumpanya ng langis ay nakikipag-ugnayan na rin sa petroleum companies sa Russia para sa pagkuha ng supply ng petrolyo.

Samantala, tumanggi muna ang Energy Department na ianunsyo kung magkano ang utay-utay na taas-presyo sa langis.



Nagkaroon aniya kasi ng concerns ang oil companies at iniiwasan nilang magkamali sa pag-anunsyo ng staggered na halaga.

Matatandaang nitong nakaraang linggo, mismong ang DOE ang nag-anunsyo ng halaga ng staggered increases ng mga kumpanya ng langis.



Samantala, pinag-aaralan na rin ng Pilipinas ang pag-import ng langis sa mga karatig-bansa sa Asya.
Partikular sa China, Japan, Singapore, Thailand at South Korea.

Ayon kay Energy Sec. Garin, dati pa namang nag-iimport ang Pilipinas sa China kaya tiyak aniyang hindi na mahihirapan ang Pilipinas na makipag-usap sa Tsina.



Sinabi ni Garin na nakikipag-usap na ang Philippine National Oil Company (PNOC) at ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa naturang mga bansa para sa pag-import ng langis.