Advertisers

Advertisers

Janine Gutierrez “Sexiest Woman Alive” ng Esquire Philippines

0 20

Advertisers

Ni Anne Venancio

Kinilala si Janine Gutierrez bilang “Sexiest Woman Alive” ng Esquire Philippines, ayon sa anunsyo noong Marso 17.

Labis ang pasasalamat ng aktres sa pagkakapili, at aminado siyang matagal na niyang pangarap ang mapabilang sa isang Esquire cover.

Ani Janine, “Super grateful po ako at kilig na napili ninyo ako bilang ‘Sexiest Woman Alive.’”

Sey naman ni PJ Caña, editor-in-chief ng Esquire Philippines, pitong taon na ang nakalipas mula nang huling ilabas ang “Sexiest Woman Alive” feature.

Para kay Janine, ang pagiging “sexy” ay naka-base sa tapang at pagiging totoo sa sarili, pati na rin sa pagmamahal at passion sa trabaho, pamilya, at advocacies.

Nagbigay rin si Janine ng kanyang opinyon tungkol sa paninindigan para sa kababaihan, kaugnay ng kontrobersyal na pahayag ni Quezon City 4th district representative Bong Suntay laban kay Anne Curtis-Smith.

Aniya, “Sobrang nakakagalit… sana maging leksyon ito sa lahat ng kalalakihan at politiko na hindi ito katanggap-tanggap.”

Pinuri ni Janine si Anne sa paggamit ng kanyang platform upang magsalita para sa lahat ng kababaihan na nakaranas ng ganitong uri ng diskriminasyon. “We’re all behind her,” aniya.