Advertisers
Ni Anne Venancio
Isang feel-good showbiz moment ang hatid nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, at Carlene Aguilar matapos nilang ipakita ang solid na samahan bilang blended family sa pagsuporta kay Calix Ho.
Nagkita ang tatlo sa UAAP Season 88 Fencing Tournament para personal na i-cheer si Calix na nag-uwi ng gold medal sa naturang kompetisyon.
Ayon kay Carlene Aguilar, nagpapasalamat siya kina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa walang sawang suporta sa kanilang anak. Aniya, noon pa man ay all-out na si Dennis sa paggabay sa kanyang anak, habang si Jennylyn naman ay ipinapakita ang kanyang malasakit at dedikasyon bilang mapagmahal na stepmom.
Kuwento pa ni Carlene, kitang-kita niya kung paano tinanggap at minahal ni Jennylyn si Calix bilang sariling anak ganun din si Dennis sa anak ni Jennylyn na si Jazz, na tinuring na rin nitong bahagi ng kanyang pamilya.
Mas lalo namang na-inspire si Calix na ipagpatuloy ang kanyang training sa fencing, na may pangarap na makasabak sa SEA Games at Olympics.