Advertisers

Advertisers

Amazing Lakers!

0 8

Advertisers

8 straight Ws. 9 na panalo sa huling 10 laban.

8 na kalamangan sa huling 3 game kabilang ang back to back vs Rockets.

Karamihan sa mga victory na yan ay sa mga koponan na above .500 at tunay na mga contender. Tatlo rin sa kanila mga kadikit nila standings sa Western Conference. Nakuha nila tuloy ang tiebreaker advantage sa bawa’t isa.

Eka nga ay peaking ang team sa tamang panahon.

Kahapon nagwagi pa sila kontra Heat sa Miami kahit kagagaling lang sa Houston noong Sabado. First time hindi pinagpahinga alin man kina LeBron James, Luka Doncic at Austin Reaves sa magkasunod na araw na laro.

Hayun gumawa pa ng 60 puntos si The Don sa homecourt ng Heat. Si LBJ naman may triple double, 19 points, 15 rebounds at 10 assists.

Patuloy ang good shooting percentage nila lalo na sa tres. Gayon din naman ang pananatili ng kanilang mahigpit na depensa.

Tunay na kamangha-mangha.

Tahimik na mga basher. Iyak nang iyak naman mga hater.

Tingnan natin kung magpatuloy ang winning streak nila. Makakarap nila bukas ang Magic sa Orlando.

•••

Malamang sa Hunyo gaganapin ang sports summit sa Naga, Camarines Sur ayon sa ating ibong pipit. Katatapos lang ang sa Iloilo nitong linggo. Proyekto ito ng Philippune Sports Commission at ng mga LGU.

Ina-align nila ang mga aktibidades ng lokal sa programang pambansa.

•••

Pasok na ang Ph women’s football team sa World Cup. Nag-qualify sila nang daigin noong Huwebes ang Uzbekistan, 2 -0 sa Australia. Pangalawang beses na ito ng mga Filipinas (dating kilala bilang Malditas) sa WC pero parang hindi proud sina Aling Barang at Pepeng Kirat. Paano raw ay halos laki aa ibang bansa ang mga player natin.

Kung sabagay may katwiran ang dalawa. Mahirap ngang mahalin pag ganoon.