Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
Mapapanood ang dance icon,at ang tinanghal na PMPC 37th Star Awards for Television Ading Fernando Lifetime Achievement Awardee na si Ms. Geleen Eugenio sa isang dance concert. Ito ay ang Disco Forever D4E, na gaganapin sa March 21,8pm sa The Theater at Solaire
Makakasama niya ang mga sumikat na grupo ng mga dancers noong dekada 70’s,80’s at 90’s sa Pilipinas. Ito ay ang
The Aldeguer Sisters, Yvonne Salcedo, Pia Moran,Swing Duos, Vicor Crowd, Vicor Dancers, Dyna Dancers, Dyna Company D, Alpha Colours, A&W Dancers, Octo Arts Dancers, Octo Mechanix, Magic Movement, Beat Culture, Knapsax, Miles and The Pacesetters, Black Gold Dancers, WEA Dancers, WEA Ral’s, BMG Dancers, Turbo Gang, Power X People, Black and White, Singles, Urban Dance Crew, Viva All Male, Big Brothers, Manoeuvres, Hotlegs, VIP, and Axis PH.
May Special Participation naman sina Ima Castro (“The West End Diva”), The Boyfriends, Tess D. Smith (Germany’s “Soul of Tina Turner”), Janah Zaplan, Klinton Start, Bravo’s Angels at Sephy Francisco. Directed by Miguel Tanchanco.
Natutuwa si Tita Geleen na may mga producers na sumugal para ipakita sa mga new generation ang mga sumikat na grupo ng mga dancer noon, at ang mga pinasikat nilang mga sayaw like Body Dancers at Rico Mambo.
Kaya naman very thankful ito kay Madam Cecille Bravo ng Intele Builders and Development Corporation at Mr. Raoul Barbosa ng Escobar Travel and Tours Corporation na nasa likod ng B& B House of Talents and Management na siyang producer ng D4E..
Samantala,sa tanong kay tita Geleen kung sino sa tingin niya ang pinakamagaling sumayaw sa mga artistang babae,ang sagot niya ay si Marian Rivera.
Sa mga artistang lalaki naman,ay tatlo para sa kanya ang pinakamagagaling sumayaw na sina Billy Crawford at ang magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz.