Advertisers

Advertisers

David Licauco at Gerald Anderson magtutuos sa basketbol

0 17

Advertisers

Ni Anne Venancio

Nakatakdang magharap sa isang celebrity basketball exhibition game sina David Licauco at Gerald Anderson matapos ang naging palitan nila ng hamon sa social media.

Sa isang video na kumalat online, makikitang pabirong binanggit ni Gerald Anderson ang ilang celebrity na nais sumabak sa kanilang laro, na agad namang sinagot ni David Licauco. Mula sa simpleng biruan, nauwi ang kanilang banter sa isang mas konkretong usapan, na ngayon ay tinutugunan na ng mga organizer para sa isang planong exhibition match.

Inilabas na rin ang ilang bahagi ng line-up ng bawat koponan. Kabilang sa team ni David sina Will Ashley, Paul Salas, EA Guzman, at Andre Paras. Samantala, ang team ni Gerald ay bubuuin nina RK Bagatsing, Tommy Tiangco, at Johannes Rissler, kasama ang iba pang kalahok.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na eksaktong petsa at venue ng naturang laban.

Samantala, abala si David sa kanyang paghahanda para sa pagsali sa international fitness competition na Hyrox, kung saan target niyang makilahok sa Hong Kong leg sa Mayo. Napapanood din siya sa seryeng ‘Never Say Die’ katambal si Jillian Ward. Gagampanan nito ang role ni Andrew Dizon bilang isang investigative journalist.

Sasabak naman si Gerald sa seryeng ‘Blood vs Duty’ kasama si Richard Gutierrez.