Advertisers
Ni Beth Gelena
Agaw-eksena ngayon sa. social media sina Jake Cuenca at Rabiya Mateo.
Namataang kasing magkasama ang dalawa sa isang restaurant sa BGC.
Nakuhanan ang Kapuso aktor at former beauty queen ng isang netizen na magkausap ang dalawa habang nasa outdoor area ng isang restaurant sa BGC.
Nakakuha agad ng maugong na atensyon ang dalawang personalidad na ngayon ay pinag-uusapan kung may namamagitan daw bang espesyal sa dalawa.
Sabagay, wala namang masama dahil pareho nang loveless sina Jake at Rabiya sa kani-kanilang karelasyon.
Hiwalay na si Jake kay Chie Filomeno gayundin si Rabiya kay Jeric Gonzales.
Base sa kumuha ng larawan, dalawa lamang sina Jake at Rabiya sa nasabing pagkakataon, na naging mitsa upang maghinala ang netizens na baka nagde-date na ang dalawa.
Ayon sa ilang komento, wala naman silang nakikitang masama kung magkalapit ang loob nila dahil pareho naman silang single sa ngayon.