Advertisers

Advertisers

Malalantad na ang yaman ng mga Duterte

0 17

Advertisers

POSIBLENG malantad na ang “hidden wealth” ng mga Duterte sa ginagawa ng House Committee on Justice na paghimay sa mga ebidensiya sa impeachment hearing laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.

Sa nakalipas na pagdinig nitong Marso 25, inaprubahan ng komite ang pag-subpoena sa mga ebidensya ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng pagbanta sa buhay ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at ex-Speaker Martin Romualdez; SALNs (Statement of Assets, Liabilities and Net Worth), pag-testify ng dating “bagman” ni VP Sara na si Ramil Madriaga, mga ebidensiya sa Office of the Vice President (OVP) at DepEd confidential funds, at PSA records ni Mary Grace Piattos.

Kaabang-abang na ito, mga pare’t mare. Oo! Bloodbath ito sa Abril 14. Abangan!

***

Sinabi ni Ombudsman “Boying” Remulla na tatalima sila sa subpoena ng House Committee on Justice na ibigay ang SALN ni VP Sara simula nang siya’y maging Davao City Mayor at maging Vice President ng Republika ng Pilipinas.

Aprub din sa NBI na ibigay ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa pagbanta ni VP Sara kina Pangulong Bongbong at sa First Lady, at kay ex-Speaker Romualdez.

Pinayagan din ang pagdalo ni Madriaga sa komite.

Ang pinakamainit sa lahat, ang bank history ng bank accounts ni VP Sara at ng joint account nila ng kanyang “Tatay” Digong, ay sunod na target ng komite na hingin ito sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Sinasabing may milyones na pumapasok sa bank accout ni VP Sara mula sa drug lords at sa illegal POGO.

Malalaman natin ang lahat ng ito ‘pag nabukasan nga ang bank history ng pangalawang pangulo sa ongoing impeachment hearings. Subaybayan!

***

Plano ngayon ng defense team ni VP Sara na tumakbo sa Korte Suprema para matigil ang gumugulong na impeachment sa Kamara.

Say ng defense team, na binubuo ng 16 abogado de kampanilya, “unconstitutional” ang ginagawang “mini trial” ng House Committee on Justice sa impeachment laban sa pangalawang pangulo.

Pero ayon sa mga eksperto, tama ang prosesong ginagawa ng komite na pinamumunuan ni Batangas Representative Atty. Gerville Luistro.

Iginiit din ni Luistro na “by the book” ang lahat nang ginagawa ngayon ng komite. Natoto na sila sa nakaraan nang ideklara noon ng Korte Suprema na “unconstitutional” ang pagka-impeach kay VP Sara last year.

***

Aminin man o hindi ni VP Sara, kabado siya sa paggulong ng impeachment laban sa kanya. Alam niyang mai-impeach siya sa Kamara tulad ng nangyari last year kungsaan higit 3/4 ng miyembro ng Kamara ay bumuto para mapatalsik siya.

Ang tanging pag-asa ni VP Sara ay sa Senado, kungsaan mayroon bilang ang DDS Senators.

Ang problema lang ay baka makulong din ang mga kakampi ni Sara na sina Jinggoy Estrada, Joel Villanueva at Bong Go na pawang may mga kasong kinakaharap.

Sina Jinggoy at Joel ay maaring maisyihan na ng arrest warrant kaugnay ng kickback sa flood control anomaly.

Si Bong Go naman ay malamang maisyuhan na ng arrest warrant ng ICC dahil kabilang ito co-perpetrators sa Crimes against humanity na kinakaharap ng “Tatay Digong” nila.

Ang isa pang DDS Senator na si “Bato” Dela Rosa ay ‘di na nagpapakita sa publiko simula Nob. 2025.

Kaabang-abang ito, mga pare’t mare…