Advertisers
HINDI malayong masibak ang PNP Provincial Directors ng Oriental at Occidental Mindoro dahil sa patuloy na pangungunsinti sa pamamayagpag ng illegal na sugal na talamak sa naturang mga probinsya.
Ipinag-utos kamakailan ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr ang malawakang sibakan sa lahat ng tiwaling PNP opisyal.
Sa utos ng Hepe ng pambansang pulisya, ang mabilisang paglilinis sa mga tiwaling tauhan ng PNP, kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na ibalik ang integridad sa pulisya.
Lagot ang mga pasaway na PULIS!
Ayon kay Nartatez, maituturing na operational order ang panawagan ng Pangulong Marcos sa mga kurap na opisyal ng kapulisan.
Ayon sa police insider, t’yak na tatamaan sa direktibang ito kong hindi kikilos si Oriental Mindoro Provincial Director PCol Edison Revita at Occidental Mindoro Provincial Director P/Col. Temoteo Espiritu maging ang CIDG-4B Regional Commander ng MIMAROPA.
“The President’s message is a clear marching order. It is a call for a total internal cleansing. We take this as a mandate to strengthen integrity at all levels—mula recruit hanggang senior officers. We will be unforgiving against the scalawags who tarnish the badge,” sabi ng PNP Chief
Alinsunod ito sa panawagan ni Pangulong Marcos Jr sa mga graduate ng Philippine National Police Academy “Silang Paglaom” Class of 2026 sa ginanap na commencement exercises. na panindigan ang disiplina at tulungang palayasin ang organisasyon sa kurapsyon.
Ayon pa kay Nartatez, “Our commitment is to ensure zero tolerance for any misconduct. We will not just reshuffle the earring cops, we will remove them.”
Garapalan din umano ang kalakaran pagdating sa iligal na sugal kung mangolekta ng “goodwill”, common-term sa kapulisan in-short “payola” mula sa mga pasugalan tulad ng mga Peryahan na pulos sugalan na pinagpipiyestahan gabi-gabi sa naturang mga lalawigan ang hindi bababa sa 300-mesa ng “color games, baklay, at drop ball” ng mga nagpakilalang engkargado ng PNP region 4B at Police Provincials Office (PPO) na alyas Sgt. Manalo, Sgt. Raymond, Sgt. Leynes, Sgt. Guco at Sgt.Nonoy.
Ayon sa source, ang mga units sa PNP na ipinangongolekta ng mga bagman ay ang R2, RSOG, CIDG at S2, maging ang NAPOLCOM at DILG at pinangongolekta din umano. Tsk Tsk Tsk…
Bukod sa lantarang sugal talamak din umano sa Mindoro province ang iligal na droga dahil nakikita umano ang presensya ng mga kilalang “Tulak” at “adik” naka tambay gabi-gabi sa mga peryahan.
Posibleng totoo ang reklamo dahil kamakailan lang 43 sako ng shabu ang nadiskubre ng mga militar sa Isang speedboat na sumadsad sa Palauan, Occidental Mindoro. Noting Marso 31, nadiskubre din ng mga otoridad ang Shabu Lab sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Ang dating payapa at tahimik na probinsya ng Mindoro, bumabaha na ang droga?! Mismo!
Samantala nananatili ring tahimik at walang tugon o aksyon ang PRO MIMAROPA na pinamumunuan ni PRO4B Regional Director PBGen Jovencio Badua kaugnay sa talamak na sugal sa kanyang areas of hurisdikyon.
May follow up pa!
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com