Advertisers

Advertisers

Kumander ng NPA ‘guilty’ sa 2011 ambush

0 11

Advertisers

HINATULAN ng Regional Trial Court sa Lagawe, Ifugao si Casimiro Binayon alyas “Peter” at “Rigor,” dating lider ng New People’s Army (NPA), kaugnay sa ambush noong 2011.
Napatunayang nagkasala siya sa apat (4) na bilang ng murder at apat (4) na bilang ng frustrated murder sa desisyong may petsang Marso 12, 2026.
Kaugnay ito sa pag-atake sa mga tropa ng pamahalaan sa Asipulo, Ifugao kungsaan tatlong sundalo ang nasawi at apat ang sugatan sa naturang ambush.
Isa pang sundalo ang nasawi sa hiwalay na ambush na iniuugnay sa parehong opera-syon.
Sa ibinahaging imporma-syon ng 5th Infantry ‘Star’ Division, Philippine Army, patunay ang hatol na mananagot ang mga sangkot sa karahasan laban sa estado.
Nanawagan ang militar sa mga natitirang rebelde na sumuko at samantalahin ang reintegration programs ng pamahalaan. (Fidel Coloma)