Advertisers
ITINIGIL muna ng Manila Police District (MPD) at Quezon City Police District (QCPD) ang mahigpit na pagpapatupad ng ordinansa laban sa mga hindi nagsusuot ng damit sa pampublikong lugar, kasunod ng matinding reaksyon ng publiko at pagbansag dito bilang “anti-poor.”
Ayon sa ulat, ang hakbang ay ipinatupad upang bigyang-daan ang mas malawak na “information drive” at pagpapalakas ng kamalayan ng publiko hinggil sa umiiral na mga ordinansa.
Sa isang ulat, kinumpirma ng Manila Public Information Office ang naturang desisyon:
Dagdag pa rito, sa ilalim ng direktiba na epektibo noong Abril 11, 2026, inatasan ang mga pulis na umiwas muna sa pagpapataw ng parusa:
Sa halip, mas paiigtingin ang pagbibigay ng babala at impormasyon sa publiko.
Layunin umano ng hakbang na ito ang mas “makatao at mahabaging pagpapatupad ng batas” habang pinapanatili ang kaayusan sa publiko.
Gayunman, nilinaw ng MPD na magpapatuloy pa rin ang mahigpit na pagpapatupad ng iba pang ordinansa, kabilang ang curfew at pagbabawal sa pag-inom sa lansangan.
Ang desisyong ito ay kasunod ng viral video na insidente sa Mandaluyong kung saan tiniketan ang isang lalaking naghahalo ng semento habang walang suot na T-shirt—isang pangyayaring nagbukas ng malawakang diskusyon sa social media hinggil sa saklaw ng ordinansa, wastong pagpapatupad, at ang epekto nito sa mga ordinaryong mamamayan.
“SA HALIP NA BIG FISH, HUBAD NA FISH ANG TINUTUGIS” – AKBAYAN REP. CENDAÑA
Nagbigay din ng reaksyon si Akbayan Rep. Percival Cendaña kaugnay ng viral na insidente sa Mandaluyong City kung saan tiniketan ang isang lalaki matapos mahuling walang suot na T-shirt habang naghahalo ng semento sa labas ng kanilang bahay.
Sa kanyang pahayag, tila kinuwestyon ng mambabatas ang prayoridad ng pagpapatupad ng batas sa ganitong uri ng paglabag.
Umani rin ng reaksyon ang presensya ng media at mga armadong pulis sa operasyon, na inilarawan ng ilang netizens bilang tila “malakihang operasyon” o “over kill” para sa isang “minor” na paglabag.
Ang insidente ay kaugnay ng pinaigting na kampanya ng Department of the Interior and Local Government sa ilalim ni Jonvic Remulla upang mas istriktong ipatupad ang mga lokal na ordinansa para sa disiplina at kaayusan sa mga lungsod.
VIRAL NA PAGTIKET SA LALAKING NAGHAHALO NG SEMENTO, UMANI NG BATIKOS
Samantala umani rin ng sari-saring reaksyon online ang naging pahayag ni retired Brigadier General Orlando De Leon matapos mag-viral ang video ng isang lalaki sa Mandaluyong na hinarang at tiniketan ng mga awtoridad habang naghahalo ng semento nang nakahubad.
Sa kanyang sarkastikong hirit, tinanong ni De Leon kung ano na nga ba ang tamang outfit para sa paggawa sa loob ng sariling bahay.
Hindi nakaligtas sa kritisismo ng publiko ang naturang operasyon dahil sa paglapit ng mga opisyal na may kasama pang media at mga armadong tauhan, na ayon sa marami ay parang “overkill” para sa isang simpleng paglabag sa ordinansa.
Sa kabila ng layunin ng batas para sa kaayusan, marami ang hindi makapaniwalang umabot pa sa ganitong lebel ang pagpapatupad ng ordinansa. Patuloy ang debate sa social media kung dapat bang maging prayoridad ang ganitong mga insidente o kung masyado na bang mahigpit ang mga lokal na pamahalaan sa kanilang mga residenteng apektado ng krisis.
Saganang akin mas bibili ako kay Remulla kung ang mga naka barong sa Malakanyang, SENADO, at KONGRESO na nagnakaw ng bilyon-bilyong peso sa “flood control projects” ang kanyang ipaaresto para matuwa ako at ang sambayanan. Period!
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com