Advertisers
Ni Beth Gelena
Sadyang tuluy-tuloy ang swerteng dumarating sa mag-asawang Dianne Medina at Rodjun Cruz.
Kamakailan lang ay ni-launch ng aktres ang kanilang Studio Channel, ang DM Channel kung saan nakakatulong sila sa kanilang kapwa celebrities about online selling.
Lately naman ay ibinida ng TV host-actress ang bongga nilang beach house na “Casa Ilustre.”
Sa online post ni Dianne, isiniwalat niya ang bagong property na nila ng pamilya, isang beach house na kung tawagin nila ay Casa Ilustre. Ang mga larawan ay nagpapakita ng modernong disenyo na nagtatampok ng maluluwag na balkonahe, at isang perpektong tanawin mula sa tabing dagat. Ibinahagi ni Dianne ang update nang may pagmamalaki at tinawag ang bahay na isang “biyaya” at bunga ng kanilang patuloy na pagsusumikap.
Very proud na ipinasilip ni Dianne ang nasabing milestone, “Sa wakas ay naipakita na rin ang aming beach house, ang Casa Ilustre.”
Sa Instagram, pinasalamatan ni Dianne ang mga taong nagdagdag ng mga finishing touch sa bahay, at sinabing labis siyang nasasabik na makitang natupad ang kanilang pangarap.
Para kina Dianne at Rodjun, ang Casa Ilustre ay hindi lamang isang ari-arian para sa kanila, kundi isa rin itong ari-arian na plano nilang ilagay sa mga listahan ng Airbnb, dahilan para ma-excite ang kanilang komunidad na malapit nang mailista ang beach house sa kilalang homestay application.
Behind the camera, Dianne is also a co-founder of an events management company.
Ikinasal siya kay Rodjun 2019, and they now have two children.
Parehong God fearing ang mag-asawa kaya naman maraming blessings na dumarating sa kanila.