Advertisers
Ni Anne Venancio
Ibinahagi ng aktres at global fashion icon na si Heart Evangelista ang nakaraan nila noon ng aktor na si John Prats sa panayam sa ‘Fast Talk with Boy Abunda.’
Aniya, bata pa sila noon nang mabuo ang kanilang samahan na tumagal ng anim na taon, mula edad 13 hanggang 19.
Inilarawan pa niya ang kanilang dynamic noon bilang “brutal” dahil sa pagiging bata at sabay na pagharap sa pressure ng industriya. Dagdag pa ng aktres, hindi raw madaling paghiwalayin ang trabaho bilang loveteam at ang totoong emosyon noong panahong iyon.
Siya rin mismo ang nagpakilala kay John sa kanyang misis na si Isabel Oli noong nagsisimula pa lamang ang kanilang pagkakaibigan sa isang taping.
Nilinaw din ng aktres na wala pa sa plano ang reunion ng iconic teen series na G-Mik.