Advertisers

Advertisers

Madriaga ibinunyag pagpapatalsik kay PBBM noong 2025

0 5

Advertisers

ISINIWALAT ng testigong si Ramil Madriaga, ang nagpakilalang bagman umano ni Vice President Sara Duterte, sa kanyang sinumpaang supplemental affidavit na tinalakay umano nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang isang kasunduan kung saan magbibitiw si Marcos sa 2025 upang pumalit si VP Sara bilang pangulo.

Ayon kay Madriaga, sinabi umano ito sa kanya ni Duterte bago ang halalan noong 2022, kasunod ng isang pagpupulong kung saan napagkasunduan ang tambalang Marcos-Sara.

Layunin umano ng plano na masigurong makapaglilingkod si Marcos nang mas mababa sa apat na taon upang manatiling kwalipikado si Sara na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028.



Dagdag pa ni Madriaga, matapos manumpa si Sara bilang bise presidente, tinalakay umano kasama ang ilang retiradong heneral ng militar ang mga posibleng paraan upang mapatalsik si Marcos kung hindi ito kusang bababa sa puwesto.

Kabilang dito ang umano’y pagsabotahe sa loob ng administrasyon sa pamamagitan ng pagbu-bunyag ng isyu ng korapsyon upang maging basehan ng impeachment.



Binanggit din ni Madriaga ang mas matitinding opsyon tulad ng malawakang pagbibitiw ng mga opisyal, civil disobedience, at maging armadong paglusob sa Malacañang, pati umano ang posibilidad ng paglikha ng kaguluhang sibil upang magbigay-daan sa kudeta.

Ayon kay Madriaga, inatasan din siyang mag-recruit ng iba’t ibang grupo gaya ng mga organisasyong sibiko, fraternity, at iba pa.



Samantala, pinasinungalingan niya ang naunang pahayag ni VP Sara Duterte na wala itong kaugnayan sa kanya at iginiit na nagsinungaling umano ito sa ilalim ng panunumpa.